Sunday, October 18, 2009

anong bagay,lugar,produkto o kultura sa Gensan ang ipagmamalaki mo at hindi mo ipagmamalaki? at bakit?

Ang maipagmamalaki ko dito sa Gensan ay ang produkto nating Tuna. Dahil ang Gensan lamang ang natatanging Tuna Capital of the Philippines. Nasa ating lungsod lamang makikita ang mga sari-sari at natatanging isda dito sa ating bansa lalo na ang tuna. Kaya hindi malayo na ipagmamalaki ito ng mga taga-Gensan. Maipagmamalaki ko rin ang mga kultura dito sa ating lungsod. Kaya tayo nagkaroon ng mga Tuna Festival at Kalilangan Festival ay para ating alalahanin at bigyang halaga ang mga ninuno na dumating sa ating lungsod noong unang panahon at ang mga sari-saring kultura na kanilang binigyang halaga.

kung ikaw ang magiging presidente ng Pilipinas. Ano ang una mong programang gagawin?

1. Libreng edukasyon-sabi nga ni Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya magbibigay ako ng programang libreng edukasyon nang sa gayon ay mapapakinabangan ito ng ating mga kabataan at makakapag-aral na ang mga estudyante ng hindi makaka-afford sa tuition sa school at mabibigyan na rin ng scholarship ang iba pang mga mag-aaral.
2. Trabaho- maraming mga Pilipino ngayon ang walang mga hanapbuhay kaya nagtatrabaho na lamang sila sa ibang bansa para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.Mag bibihay ako ng mga trabaho para sa mga Pinoy nang sa gayon ay magkaroon sila ng pangtustus sa kani-kanilang mga pamilya.
3. Pabahay- marami rin sa mga kababayan nating Pilipino ngayon ay wala pang sariling mga lupa at bahay kaya magbibigay ako ng mga programang pabahay nang sa gayon ay wala nang mga Pinoy ang titira sa mga lansangan o sa ilalim ng mga tulay.
4. Programa sa lupa- magkakaroon na rin ng mga lupa ang mga Pinoy sa halaga na kanilang maaabot.
5. Programa sa kalsada- ipapaayos ko ang mga kalsada na lubak-lubak nang sa gayon ay maayos itong nadadaanan ng ating mga kababayan saan mang sulok ng Pilipinas. Pati ang mga tulay ay akin ring ipapaayos.

anong parte ng katawan ninyo ang gusto ninyong maging sikat at bakit?

siguro ang parte ng aking katawan na gusto kong maging sikat ay ang aking legs kasi medyo mapuputi naman sila tsaka maganda rin ang kanilang pagkakahugis.Maganda ring tingnan ang mga ito kapag nagsusuot ako ng mga minny skirt.

sumulat tungkol sa paborito ninyong pet.

ang paborito kong pet ay parrot kasi nakakatuwa sila minsan dahil kapag tinuturuan mo sila ng mga salita ay madali nila itong nasusunod o namemorize. Maganda silang alaga dahil parang meron ka na ring isang kaibigan.

sumulat tungkol sa karanasan nyo tungkol sa:

Jeepney riding- sa araw-araw na pagsakay ko sa jeep ay marami at iba't-ibang tao ang aking nakakasalamuha. Marami na rin akong naging karanasan kagaya nung pagsakay ko ay malapit akong madapa. Tsaka minsan pag puno na ang jeep ay masikip na ang aking inuupuan. Kaya nagtitiis na lang ako hanggang sa may bumaba.Naiinis din ako minsan sa mga driver na malaki ang kinukuhang halaga sa pamasahe kahit estudyante lang naman ako.
Tricycle Ride- iyong mga karanasan ko ay tungkol sa mga pagsakay ko nito kasi madalas talaga matagal ako nakakasakay ng tricycle patungong school kasi doubleride ako eh... minsan naman marami akong nakakasabay na mga taga-iba't ibang skul. Tsaka minsan din naiinis ako sa mga tricycle driver kapag hindi nila hinahatid sa tamang destinasyon ang mga pasahero.

Friday, October 16, 2009

pumili ng top 5 mo na presidentiable candidates at bakit sila?

Manny Villar- siya ang unang-una kong pipiliin dahil malaki na ang naging experience niya sa pulitika at naging senate president din siya. Marami na ang mga kababayan nating kanyang natulungan lalong-lalo na ang mga OFWs at mayroon din siyang mga programang pabahay.
Joseph Estrada- siya ang pangalawa kong pipiliin dahil malakas siya dito sa Mindanao. Magaling din siyang mamuno at tumulong siya sa pagpapalaya sa mga hostage victims noon ng mga bandidong abusayaf.
Noli De Castro-magaling din siya na lider at marami din siyang natulungan sa ating mga kababayan lalo na ang kanyang mga programang pabahay.
Loren Legarda-siya'y isang matapang na babae at malaki rin ang kanyang naitulong lalo na sa mga mahihirap.
Francis Escudero- malakas siya sa mga kabataan at malaki rin ang kanyang naitulong para sa edukasyon at magaling din siyang lider.

anong masasabi mo sa konseptong relief goods campaign?

maganda ang konseptong ito dahil sa pamamagitan nito ay makakapag-abot ng tulong ang ating mga kababayan na gustong magbigay ng mga donasyon para sa mga taong nasalanta ng mga kalamidad.Kagaya na lamang ng iba't -ibang kumpanya na nagsagawa ng mga campaign para puntahan ang mga lugar na nasalanta ng mga bagyo lalo pa ang mga naghihirap pa nating mga kababayan.Higit pa rito makakapagbigay rin ito ng kaalaman para sa mga kabataang tulad ko tungkol sa pag-aabot ng tulong at mga donasyon o kaya mag-volunteer.Nagbibigay rin ito ng daan para sa mga taong nasa pulitika na ma-expose sila sa mga tao tungkol sa pagsasagawa nila ng mga tulong sa mga mamamayan.

ano ang top5 na lagi mong ginagawa pagkagising sa umaga?

ang una-una kong ginagawa pagkagising sa umaga ay i-fix ang aking higaan para hindi na ito magkalat pa. Pangalawa ay naghihilamos ako ng aking mukha at nagsusuklay ng aking buhok para maayos naman akong tingnan. Pangatlo ay magsasaing na ako para sa agahan at magluluto ng aming ulam. Pang-apat ay dinidiligan ko ang aming mga halaman para hindi ito matuyo sa init. Pagkatapos ay maliligo na ako para fresh...

Thursday, October 15, 2009

totoo nga bang hindi naghuhugas ng kamay ang mga lalaki paglabas sa CR? Bakit?

sa palagay ko halos nang mga kalalakihan ay hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay dahil iyon ang napapansin ko sa mga lalaki ngayon. Dahil siguro ang iba ay hindi nila alam maghugas ng kamay pagkatapos mag-ihi kaya may dala silang mga mikrobyo galing sa kanilang mga kamay. Pero meron din namang ibang mga lalaki na marunong maghugas ng kamay pagkatapos mag-ihi dahil alam nila na iyon ay nakabubuti at ang hindi paghuhugas ng kamay ang pinagmumulan ng sakit dahil sa mga mikrobyo.

alcoholic ba ang mga kabataan ngayon?

sa palagay ko ay oo dahil sa panahon ngayon ang mga kabataan ay marunong nang uminom ng mga alcohol sa murang edad pa lamang dahil nadadala na sila sa mga sabay ng barkada. Kung ano ang ginagawa ng mga barkada ay ginagawa rin niya at naninigarilyo na rin sila. Pero meron din namang ibang kabataan na hindi umiinom dahil alam nila kung ano ang maidudulot nito sa kanilang katawan at lalo pa makakasira sa kanilang pag-aaral.

Tuesday, October 13, 2009

sang-ayon ba kayo sa pagpapatayo ng isang COAL-FIRED POWER PLANT sa Sarangani? bakit?

marami namang mga advantages sa pagpapatayo ng coal-fired power plant. Unang-una ay makakapagbigay ito ng mga trabaho para sa mga taga-Sarangani. Pangalawa ay makakapagsupply ito ng kuryente para sa buong Sarangani pero marami naman itong bad effects lalo na sa ating kalikasan kaya hindi ako sang-ayon sa pagpapatayo nito dahil kapag naitayo na ang power supply na ito ay malaki din ang masamang maidudulot nito sa mga tao. ang usok na inilalabas nito ay pumupunta sa hangin at masasama ito sa ini-inhale ng mga tao. makakasira din ito sa kalikasan dahil lalong lumalala ang epekto ng global warming kapag lumala na ang global warming ay mas lalong magiging mainit ang klima sa ating lugar sapagkat ito ay isang polusyon. Kaya tayo ring mga tao ang magsasakripisyo. Dahil habang tumatagal ang power plant ay mas lalong makapagdudulot ng masamang epekto lalo na sa mga nakatira sa paligid ng planta. Oo nga't meron din itong mabuting naidudulot ngunit sisirain naman nito ang ating inang kalikasan na kung saan tayo ring mga tao ang makararanas ng mga dulot nito.

anong aral ang tinuturo ng mga delubyong dumaan?

maraming aral ang makukuha natin sa mga lumipas na bagyong naranasan ng ating bansa.Unang-una ang pangangalaga sa ating kalikasan tayo ay nakatira sa mundong ibabaw kaya dapat nating mahalin si Mother Nature. Maraming tao ang walang pakialam sa kanilang mga paligid, tapon dito tapon doon ng mga basura. Hindi nila alam na ang basurang iyon ay babalik din pala sa kanila. Hindi nila tinatapon sa tamang lalagyan ang kanilang mga basura. Basta't makatapon na sila ay tama na. hindi nila inisip kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang kalusugan at pamumuhay. Iyon din naman ang mga taong nag-iillegal logging,puto dito putol doon ng mga punungkahoy. Ginagamit pa nila ito sa illegal na negosyo. Iyon din namang mga tao ay hindi marunong magtanim ng mga punungkahoy kahit sa likod man lang ng kanilang bahay. Nang sa gayon kapag lumaki ito ay malaki rin ang maidudulot nito sa pagpigil ng baha. Kagaya na lamang ng nangyari sa hilagang Luzon, halos walang mga punungkahoy ang lugar na ito kaya madali silang naaabutan ng baha. Kaya dapat lang talaga na sundin natin ang wastong pangangalaga sa kalikasan dahil kung hindi ay tayo rin ang magsasakripisyo sa mga delubyong dulot nito.

anong masasabi mo sa mga batang nanghihingi ng limos, totoo kaya ang kanilang kalagayan o parte sila ng isang sindikato? bakit?

ang masasabi ko sa mga batang nanghihingi ng limos ay merong iba na napabayaan na ng mga magulang kaya sila nanglilimos sa kalsada dahil wala silang matutuluyan na bahay at wala rin silang alam gawin na hanapbuhay. Pero halos sa mga batang ito ay parte ng mga sindikato na kumukupkop ng mga batang paslit para gawing pagkakitaan sa kanilang negosyo dahil kapag bata ang nanlilimos ay madaling maawa ang mga tao at binabantayan nila ang mga ito dahil kapag wala itong naibigay na pera ay sinasaktan nila ang mga bata at hindi pinapakain.

Thursday, October 8, 2009

ang pagsalanta ni bagyong ondoy ay dapat isisi kay...

ito ay dapat na isisi sa mga tao dahil ang mga tao ang siyang may responsibilidad na alagaan ang kalikasan. kaya tayo nakakaranas ng bagyo dito sa bansa ay dahil sa hindi natin pinapangalagaan ang ating kalikasan at ginagamit natin ito sa maling paraan kagaya ng pagtatapon ng basura at pagpuputol sa mga punong kahoy.

Tuesday, October 6, 2009

ang tao ba ay may konrol sa kanyang buhay?

oo, lahat ng tao ay may kontrol sa kani-kanilang buhay. Halimbawa, kapag tayo ay ipinanganak nang mahirap. Nasa sa ating sarili na kung tayo ay magiging mahirap na lamang habang buhay. kung gusto nating umangat sa buhay, kailangan natin ng sipag at tiyaga, determinasyon at pananalig sa Diyos upang tayo ay kanyang tulungan. Hindi naman kasi sa mga magulang natin dapat isisi ang ating naging kapalaran dahil kahit sila ay hindi rin nila hinangad na maging dukha. Hindi rin dapat tayo naniniwala sa mga hula-hula na sinasabi ng iba dahil tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Kung ano ang nangyayari sa atin ay dahil na rin iyon sa sarili nating kagagawan.